Featured post

Paano Umibig ang Isang Halaman

tumblr_nmek9g8EI71qhavevo1_540

Paano Umibig ang Isang Halaman

Paano nga ba umibig ang isang halaman?
Paano ba nangyari na ang isang dating ako na kahit kailan ay hindi tumingin sa iba, na hindi nakaramdam ng kahit ano ay bigla na lamang nahulog sa iyo.
Nahulog at umamin sa sarili na gusto kita, gusto kitang talaga.

Gusto kong tinatanong mo ako kung kamusta na ako,
kung okay lang ba ako, kung saan ako papunta
o kaya kung saan ako galing,
dahil yan ang nagiging patunay na kabilang ako sa mundong ginagalawan mo,
yan yung mga pagkakataon na nararamdaman ko
na may puwang ako sa buhay mo, gaano man kaliit ang puwang na yun,
na hindi lang ako hangin na dumadaan sa paligid mo,
na hindi lamang ako isa sa milyung milyong patak ng ulan na dumadampi sa iyong balat,
na hindi lamang ako isa sa mga sinag ng araw na tumatama sa iyong pisngi.

Gusto kong nakakasabay kang kumain, nakakasama kang naglalakad
at sa tuwing nagkukwento ka ng mga pangarap at plano mo
sa buhay, lumulukso yung puso ko, lumulukso at natutuwa
na paunti-unti kitang nakikilala.
Nalalaman ko ang mga bagay na nagpapasaya sayo,
ang mga bagay na ayaw mo,
ang mga bagay na gusto mong maabot,
ang mga bagay na nagbibigay sa yo nang pagaalinlangan.

Gusto kong laging nakikita ang iyong ngiti sa tuwing
nag kakasalubong tayo o kaya ay nakikita mo ako,
yan ang bumubuo sa araw ko, ang pumapawi sa pagod
na aking nararamdaman, ang nagbubura sa mga linyang
nagpapakunot ng aking noo.
Gusto kong tumitingala sayo, dahil sa tuwing ginagawa
ko yun, para na rin akong nakatingala sa mga bituing
tutupad sa aking mga kahilingan.

Ikaw ang kamay na dahan-dahang bumunot sa aking mga ugat,
na nag-alis sa akin sa lupang kinatatamnan. Masaya akong
humimlay sa iyong mga palad, habang nararamdaman ko
ang init ng iyong balat at pag pintig ng iyong pulso.

Ngunit, ano mang halaman ang bunutin sa lupa
ay nalalantahan ng dahon, natutuyuan ng sanga,
napuputulan ng ugat.
Nalalanta, natutuyo, namamatay, itinatapon.

At sa aking pagkahulog at paglagapak sa lupa,
hindi lamang nabasag ang aking puso kundi maging
ang mga maliliit na pirapiraso ay nadurog. Hindi ko na alam
kung paano ako babangon, hindi ko alam kung paano ako muling magsisimula.
Hindi ko na alam kung paano kong pupulutin ang bubog ng aking puso
dahil ang sakit pala.

Ang sakit pala. Ang sakit pala na nakikita mo ako pero di mo ako
nakikita, na nag-uusap tayo pero hindi tayo nag-uusap,
na mag-kasama tayo pero hindi tayo mag-kasama.
Ang sakit palang umiyak habang kumakain
dahil alam ko na sa mga oras na yun kumakain ka
at hindi ako ang kasama mo,
ang sakit na naglalakad ako pauwi ng mag-isa at alam ko
na sa mga oras na yun, naglalakad ka rin at iba ang iyong kasama.

Anong nangyari? San ako nagkamali?
May nagawa ba akong masama?
Gusto kong itanong yan sayo. Gusto kong malaman,
gusto kong ayusin ang lahat sa atin. Ngunit papalayo ng papalayo ang
mundo nating dalawa.

Gusto kong kausapin mo ulit ako, na makasabay ka ulit na kumain,
na makasama kang maglakad, na makita ulit yung dating ngiti
na inilalaan mo sa akin, yung mga sulyap na ibinibigay mo sa akin.
Ako na lang ulit, ako na lang sana.
Sana, sana, sana.

Pero, kung hindi natin maaayos to,
kung hindi na natin maibabalik ang nakaraan, kung hanggang dito na lang tayo,
gusto kong malaman mo na mahal kita, na
mahal na mahal kita. At kung darating man ang oras, ang panahon
at ang pagkakataon na mamahalin mo ako tulad ng pagmamahal ko sayo,
na hindi tayo hahadlangan ng sitwasyon,
handa akong maghintay. Handa akong maghintay para sayo.

Ngunit kung yan ay pilit na ipagkakait ng tadhana, tatanggapin ko na lamang
ang katotohanan na kahit kailan hindi magiging tayo,
na kahit kailan walang tayo, meron lamang ikaw,
meron lamang ako.

Pagkatapos, ipipinid ko ang pintuan at isasara ang bintana ng aking
puso, ipipikit ang aking mga mata at tatakpan ang aking mga tenga para
hindi na kita marinig, para hindi na kita makita,
para hindi na kita maramdaman.

Maglalakbay ako sa kabila ng dilim patungo sa lugar
kung saan sa muling pagmulat ng aking mga mata,
isa ka na lamang hangin na dumadaan sa aking harapan, isa ka na lamang
sa milyung milyong patak ng ulan na dumadampi sa aking balat,
isa ka na lamang sa mga sinag ng araw na tumatama sa aking pisngi.

At darating ang araw na isa ka na lamang litratong nakaipit sa lumang libro,
maalikabok at hindi nabubuklat, darating ang araw na isa ka na lamang alaala, naibaon sa limot at di na binabalikan, darating ang araw na masasabi kong “Ito na. Ito na talaga. Ito na talaga ang huling tulang iaalay ko para sayo.”

Tapos na. Wala na. Wala ng tayo, meron lamang ikaw at meron lamang ako.

This is our story

Words are not what they used to be,
back when each word you wrote carried the weight of your hand
and with it the stories of how you learned to write
and the mistakes that taught you how.

Typewritten words are so swift and quick it has taken away
the beauty and art of writing. It does not
teach you how the wrong words, even when erased, leave a mark.
Your fingers do not carry the weight of perfecting your handwriting, you just choose
whichever font suits you and format it within seconds.
It had become a habit you’re used to doing that repeating it
over and over again
takes away everything until it becomes
nothing.

That is our story.
A bunch of words that never carried the weight of our lives
that it always left us feeling empty. We tried to bridge the gap
with words, filling the empty spaces.
But when you fill emptiness with nothing, it implodes.
And every time we made a mistake, we jumped
one step back and pretended that it never happened.
We did this over and over again that the marks our mistakes left became
permanent, we forgot it was never there when we started.

I asked you to write me a letter,
one that carried the weight of your hand, the heaviness of your thoughts,
one that carried stories of mistakes, of revisions, because you wanted your
handwriting to be perfect. But you didn’t. Instead,
you gave me one printed from a computer shop across the street because
you were too lazy to set up your printer.
The words sounded poetic, it was an ocean I had to dive deep into.
But it meant nothing.

I knew you typed that letter in five minutes, that
you didn’t bother to think of the words in advance because
you knew that you could always press delete whenever you wanted to.
You would right click one of the words and check out its synonyms
because you thought it would make the words sound better. But it didn’t.
Your letter lost its meaning from the very moment you typed it in your computer screen.

If only.
If only we learned from the start that empty words
would never fill the space between us. Maybe we wouldn’t have hearts
jagged and broken because our pieces never fit together.
Maybe we would never make those mistakes over and over again. Maybe we would never
pretend that we felt warm when we wrapped our arms around each other,
maybe we would have the strength to let go because
we knew we were better on our own.
If only. But we didn’t.

Learning Behind the Scenes

11018871_878328282231896_1379506023718060076_na

(c) Moreno | 2015

Truth be told, DEVC130 was not in my plans. I never thought that I would be taking this subject because I know how tedious it would be. I used to head a script writing team for a weekly talent show and a cultural show when I was in high school and even though it was a learning experience, it wasn’t a fond memory. But life is full of surprises and one day you’ll find yourself walking up at a path similar to one you’ve walked before and you will realize that this one, this one is better than the other ones you’ve taken. Because this one helped you find yourself.

11080943_10152793858051167_7462693018155215627_nA

(c) Mungunkhishig Mushi | 2015

Scene 1 : Find Your Voice

As cliche as it sounds, one of the best things I learned in DEVC 130 is learning to find your voice. There’s a difference in having a voice and having a distinct voice, one that people will recognize as you even without seeing your face or any physical sign that shows your fingerprints or that you’ve been there.

From the voice exercises to learning how to project emotions, I learned to find mine—a voice that evoke emotions, a voice that brings up memories, a voice from the past reuniting with the future and the present.

It might seem far fetched but finding my voice helped improve my writing skills, specially in poetry. I had a hard time writing the poem “Paano Umibig ang Isang Halaman” but when I started envisioning it as a piece that I would one day perform, I heard this voice that sounded how I’d want to perform it. From that moment on, the words flowed out of my fingertips, imprinting on the paper I had at that time.

Scene 2: Find Your Vision

11104018_10205861324106017_860372499_nA

(c) Herrera, Moreno | 2015

When I interviewed Walter Boholst for my Behind the Scenes project he said that directing is creating a vision and communicating that vision to people who can make it come true. I believe that DEVC130 is like that. We come up with a vision for a program, a segment or an episode and then we work with people who can help us make that vision come true.

I had a great time learning about the people who help find and create this vision. Though most people give credit to the people in front of the camera, the people who work behind the scenes should be appreciated and applauded as well. They are the ones who create the shows and make it come to life. They are the ones who stuck to the show through thick and thin, from start to end.

Scene 3 : Find Your Light

11071597_10152793856021167_2709036292510016662_na

(c) Mungunkhishig Mushi | 2015

Finding your voice and your vision can help you find your light. Projects never see the light of day until it is good from top to bottom. And though there are times when you’ll make mistakes while under the spotlight, one must learn from that mistake and move on. Mistakes are something that can’t be removed completely specially when you’re doing a live show but with experience it can be avoided. That’s why in broadcasting and other speech performances one must strive to gain more experience and hands on projects. It’s one of the best ways to learn and one of the best ways to see your voice and your vision come to life.

10931088_10153274433528077_5674300224884968413_n

(c) Chico | 2015

DEVC130 is one for the books. What I learned here is something that I would never learn have I not taken the subject. It’s one proof that sometimes, the best things you do in life are the ones that are done spontaneously. I felt like an adventurer discovering a secret island when I was taking this subject. I wish that more Devcom students would be able to take DEVC130 and learn what I have learned from it.

Though there were times when deadlines were missed and performances weren’t on par with what was expected, I still learned a lot and I hope that with these lessons and experiences I will one day do better than expected.

21151_10205473009518395_2609247145528780162_n

(c) Moreno | 2015

11081409_892606417470749_2614352737573961953_n

(c) Moreno | 2015

11297864_10205861322385974_1200832866_n

(c) Moreno | 2015

11358674_10205861321225945_111866469_n

(c) Moreno | 2015

10 Signs na Hindi ka na Halaman

10 Signs na Hindi Ka na Halaman

tumblr_n6n96kOrCB1rv9zqio1_540

Paano mo ba malalaman na hindi ka na halaman? Na after x years na never kang nagka-crush or nagka-interes magka-love life eh bigla mo na lang marerealize na, “Shet gurl! Bat wala na yung mga ugat ko sa lupa? Bat nasa puso niya na?”

Kaya naman para sa mga confused kung sila ba ay halaman pa at sa mga nagpipilit sa pagiging in denial, heto ang sampung signs na magpapatunay na hindi ka na halaman. At dahil malaki ang posibilidad na tanungin niyo ako kung gaano ka legit ang listahan na ito, sasabihin ko sa inyong ang lahat ng nasasaad dito ay 100% na hango sa totoong buhay. Kaya naman hindi lang jackpot ang inabot ko sa listahan na to, naka bingo! rin ako.

Syempre, ang pinaka-unang senyales na hindi ka na halaman ay kung hanggang ngayon, naaalala mo pa rin kung paano mo siya unang nakita. Naaalala mo kung paano ka natulala at na-star struck sa kanya, kung paanong nag slow motion hanggang tumigil yung mundo mo dahil sa ngiti niya. Tulalang tulala ka sa kanya to the point na halos tumulo na yung laway mo dahil laglag na laglag yung panga mo sa kanya. At alam mo rin kung ilang beses mong tinanong yung katabi mo ng, “Sino siya? Sino siya?”

Apat na beses. Apat na beses mong tinanong yung katabi mo. Syempre, habang tinatanong mo yan, pa ninja moves kang sumusulyap sa kanya. Aba! Ayaw mo naman agad na mahalata ng lahat na naga-gwapuhan ka sa kanya, na ng mga oras na yun wala kang ibang maisip kundi, “Shet! Crush ko siya!”. Mahirap na, baka dumami ang kaagaw mo sa kanya. Mapurnada pa ang first chance mo sa love life.

Tapos, sa pangalawang pagkakataon mo siyang nakita, ikaw naman tong feeling best actress, kunwari di mo naaalala pangalan niya, na di mo siya kilala. Lahat ng yan ginawa mo para lang ipakilala ka officially sa kanya. Para kahit officially speaking eh wala namang kayo, at least pag nagkwento ka sa friends mo may mala walang hanggan moment kang maikukwento kung paano kayo nagkakilala. Kahit yung totoo naman eh tumayo lang naman kayo sa may ilalim ng poste at nag kwentuhan ng ilang minuto.

Ang pangalawang sign na tumigil na sa pag photosynthesis yang puso mo ay kung di ka mapakali sa tuwing alam mong may 99.9% chance na magkikita kayo. Kesyo makakasalubong mo lang siya sa daan o makakatabi sa pag upo sa steps ng isang building sa campus. Memoryado mo kung anong oras at saan mag tatagpo ang landas niyo. Kaya naman kahit dalawa lang naman ang pasok mo sa araw na yun, kulang na lang eh mag long gown ka at mag-paayos sa salon kasi nga magkikita kayo. Kulang na lang ipaligo mo yung pabango mo kahit ilang segundo lang naman kayong magkakalapit. At sasabihin ko sayo, di niya naman maaamoy yang pabango mo, di niya rin mapapansin kung anong kulay ng eye shadow mo o kung anong itsura ng eye liner mo.

Syempre, anino niya pa lang kilala mo na. Kaya pag nakita mong palapit na siya, titingin ka muna sa kaliwa, sa kanan, sa cellphone mo o kaya sa lupa para siya yung unang papansin sa yo. Gusto mo kasing i-test kung mapapansin ka ba niya, kung belong ka ba sa mundo niya. Syempre, gusto mo rin kasing marining kung paano niya bigkasin yung pangalan mo. Mag so-sorry kang di mo agad siya nakita o napansin kasi malalim yung iniisip mo. Well, malalim naman talaga. Malalim kaka-isip sa kanya.

Tapos, pag accidentally kayong nagkakasalubong mga ilang beses munang maglo-loading yung utak mo. Kaya pag tinanong ka niya kung saan ka pupunta o kung saan ka galing, di ka agad makasagot. Natutulala ka muna, kasi yang utak mo walang ibang maisip kundi ang kumanta ng “Hallelujah! Hallelujah! Hallelujah! Hallelujah!” kasi nga nakita mo siya. Pag nakaalis na siya, kulang na lang sumigaw ka sa kilig o gumulong sa kalsada. Pero bigla kang matitigilan kasi mapapaisip ka, “Shet! Anong itsura ko? Baka mukha akong multo! Huhuhu!”

Ang pangatlong sign na bunot na bunot na nga talaga yang mga ugat mo ay kung ginawa mong wallpaper at screen saver ng phone at laptop mo yung picture niyong dalawa. Hindi dahil sa maganda ka sa picture na yun kundi dahil kasama mo siya. Tapos, pinapaniwala mo yung sarili mo na kaya kumukutikutitap yung ngiti niya dun sa picture ay dahil ikaw yung kasama niya. Malay mo, magaling lang talaga magtoothbrush si kuya o kaya madalas gumamit ng Close Up kaya makislap yung ngiti niya.

Of course, pinost mo rin yun sa facebook mo. Sabi mo walang malisya, tutal alam naman ng lahat na halaman ka kaya pag nagpost ka ng picture na may kasamang lalaki, no big deal na yun sa kanila. Pero, sa tuwing may magla-like o comment sa picture niyo, tuwang tuwa ka. Yung kilig mo kaya nang pailawin buong Maynila sa tuwing may mag tatanong sa iyo, “Siya ba? Kayo ba? May something ba kayo?” Kasi sabi mo, ibig sabihin may something nga. May napansin sila. Kaya ayan, naging assuming ka na rin. Assuming ka na yung feelings mo para sa kanya, ganoon din yung feelings niya sayo.

Ang pang-apat na sign na putol na yung mga tangkay mo ay kung tandang-tanda mo pa lahat ng mga pagkakataong magkasama kayo. Yung time na sabay kayong nag dinner sa Cells at siya nagbayad ng dinner mo. Naaalala mo pa nga na bumili siya ng brownies sa Michas eh. Naaalala mo rin yung times na nagkatabi kayo sa upuan. Yung times na nagkadikit ng ilang segundo yung braso o kamay niyo. Yan palang kinikilig ka na. Kaya naman nung unang beses ka niyang yakapin, di ka lang nabigla dahil sa ginawa niya. Nabigla ka rin kasi yan yung time na di na crush yung feelings mo para sa kanya. Noon mo naamin sa sarili mo na gusto mo siya.

Tapos sa tuwing magkabilang panig kayo sa isang room, yung direksyon ng tingin mo laging nasa kanya. Pag nagkataong napapalingon siya sayo, titingin ka kunyari sa iba. Pakipot effect lang. Sabi mo kasi, di ka pa handa. Di ka pa handa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa inyong dalawa. O diba, assuming kang may chance na maging kayo dahil lang sa napapalingon siya sayo.

Ang pang-limang sign na nawawala na yung mga dahon mo ay kung kinikilig ka sa tuwing sinasabi ng isa sa mga friends mo nakakaalam ng feelings mo sa kanya na iba siya pag nandiyan ka. Kinikilig ka pag kinukwento ni friend sayo na iba raw ang ngiti nitong si kuya pag ikaw yung nakikita. Kinilig ka nung sinabi ni friend sayo na nahuli niya si kuyang nakatingin sayo nung isang beses na nakatulog ka sa upuan. Di mo agad naisip na baka naman siya napatingin sayo ng ganoon kasi nakakatawa pala yung itsura mo nung pilit mong pinagkakasya yung 5’6 mong katawan sa tatlong monoblock.

Kinikilig ka sa tuwing ini-encourage ka ng friends mo na i-push mo pa yan kasi may chance nga kayo. Di mo agad naisip na baka sinasabi lang nila yun kasi friend ka nila. Gusto lang nilang makita kang masaya kasi sila nag a-assume rin na baka nga may gusto rin si kuya sa iyo, na baka may chance na magkagusto siya sayo. After all, maganda ka naman, mabait, maalaga, malambing.

Ang pang anim na sign na fall out na fall out ka sa kanya ay kung text niya pa lang, hihimatayin ka na sa kilig. Akala mo naman kung ano na yung text niya sa yo eh ang sabi niya lang naman, “Hi! Kumusta ka na? Hahaha.” Feeling mo yung Kumusta ka na, I love you na.

Tapos, ilang beses mong babasahin yun at bago ka magrereply, ite-text mo muna si friend ng, “Shet gurl! Tinext niya ako! Afgdbadnakjndja!” Capslock din minsan para intense. Yung reply mo rin ilang beses mo munang ita-type at ide-delete. Sa huli, ang sasabihin mo lang naman, “Ok lang ako :) Ikaw? Hahaha.”

Tapos, after 2 or 3 texts, di na siya magrereply sayo. Ikaw naman, hintay ng hintay. Nakatulog ka na’t lahat, pero pag gising mo cellphone agad yung hinahanap mo kasi baka nagtext siya nung tulog ka. Pero sasabihin ko sayo, wala na siyang text ng time na yun. Ikaw naman tong si gaga, disappointed masyado. At pag naaalala mong makakasalubong mo siya mamaya sa Freedom Park tsaka ka lang mabubuhayan ulit at magpaplano kung anong isusuot mo.

Ang pang-pitong katunayang hindi na manhid yang puso mo ay kung iniyakan mo siya. Iniyakan mo siya dahil sa loob ng isang linggong lagi naman kayong nagkikita at nagkakasama sa isang lugar, di ka niya pinapansin, di ka niya kinakausap. Stressed kasi siya, busy din. Wala siyang time para sa yo. After all, sino ka ba naman? Pero yan yung dahilan kung bat ka umiiyak. Kasi nga di ka ganoon ka importante sa kanya. Na yung iba kinakausap niya pero ikaw, echapwera lang sa buhay niya.

Ramdam na ramdam mo yung pagkabasag ng puso mo nung tinalikuran ka niya para kausapin yung kasama mo at di ka niya ulit pinansin. Na gabi gabi kang umiiyak habang kumakain kasi alam mo na sa mga oras na yun, nagdi-dinner din siya at hindi ikaw yung kasama niya. Na bago ka matulog umiiyak ka pa rin, kasi alam mo na hindi ikaw yung huli niyang nakasama ng gabing yun, at hindi rin ikaw yung iniisip niya ng mga sandaling yun.

Umiiyak ka sa tuwing kinukwento mo yan sa mga kaibigan mo. Nasasaktan ka sa tuwing naririnig mo na sayang kayo. Nadudurog yung puso mo sa tuwing sinasabi ng kaibigan mo na, “Ano ba yan. Ang daming nagkakagusto at nanglalandi sayo, sana naman yung gusto mo, magka gusto na rin sayo.”

Pero syempre, ang mas masakit diyan kasi di mo na siya gusto. Mahal mo na siya.

Ang pang-walong sign na tao ka na nga talaga ay kung sinabi mo na ayaw mo na. Na pagod ka na. Pero sa oras na kinausap ka niya ulit, na pinapansin ka na niya ulit ang sabi mo, “Winasak niya yung puso mo, pero siya rin yung nag ayos nun.” Nag sisimula ka nang magpakatanga. Doon mo rin na-realize lahat ng pagkakamali mo sa tuwing jina-judge mo yung mga friends mo nung sila yung nasa posisyon mo. Kaya nga dumating ka rin sa point na sinabi mo sa kaibigan mo na, “Sorry. Ngayon naiintindihan na kita. Ang sakit pala. Ang sakit pala talaga.”

Ang pang-siyam na sign na di ka na halaman ay kung nagsulat ka ng tula para sa kanya, nag assign ka ng isang theme song para sa kanya. Na puro ka feels at hugot dahil sa kanya. Na kahit pati yung kurso mo, nagagawan mo na rin ng hugot. Kaya naman yung mga kaibigan mo, feeling nila na subject sila sa expectancy violations theory kasi nga nag feels ka, kasi nga umiyak ka dahil sa kanya.

Ang huling sign na nawala ka sa kinatataniman mo ay kung dumating ka sa point na sinabi mong, “Gusto ko siyang makalimutan. Gusto kong ibalik yung oras at baguhin ang lahat para hindi ko siya makilala. Para hindi na ako nasaktan.” Sinabi mo rin na gusto mong dukutin yung puso mo at itapon para di mo maramdaman yung sakit. Para di mo na siya gustuhin. Para di mo na siya mahalin.

Tanggap mo naman na hindi magiging kayo, pero umaasa ka pa rin sa salitang ‘Paano’. Paano kung may feelings pala siya sayo? Paano kung dumating yung panahon na mamahalin ka rin niya? Paano kung dumating yung pagkakataon na maging kayo? Sabi nga sa song ni Ariana Grande, “If I could have known that you wanted me, the way I wanted you, then maybe we won’t be two worlds apart but right here in each others arm.”

Pero dahil nga Almost Is Never Enough, at sa kabila ng mga paano na yan, alam mo na hindi magiging kayo. Kaya hanggang ngayon, sa tuwing iniiyakan mo siya, umaasa ka na sa bawat patak ng iyong mga luha, muling madidiligan ang iyong mga ugat, na muli kang tutubo. Na muli kang magiging halaman para di ka na masaktan. Na darating ang panahon na sa pagsibol ng iyong mga dahon at pagsulpot ng mga bulaklak, darating yung taong hindi ka bubunutin kundi aalagan.

At tsaka mo lang maaalala, yung minsang sinabi ng kaibigan mo na yang love life na yan, darating din yan sa buhay mo. Dumating nga, nakalampas lang.

There Must Be Something

Sometimes, I’d wake up at 3AM and life would flash before me, a stop motion picture of my favorite memories: waking up in bed with you, feeling your heartbeat beneath my hand as you opened your eyes and planted a soft kiss on my lips; you’d wrap your arms around me while you played your guitar, laughing to my off-tune version of ‘Falling in Love With You’; you’d trail kisses on my shoulder while I cooked in the kitchen, then grab my hand and spin me around like we were dancing at a ball and our daughter would laugh at the silliness of it. But as the first ray of sunlight knocked on my window, I looked at the empty side of my bed, realizing I was remembering memories that never happened, instead created.

Reverie

I want to tell you that your name reverberates in my soul that each time you’re near, I come undone. I want to say that you are the prince the five-year-old me was waiting for, you are every bit of the dreams and plans I want for my future — you are the arms that embraces me while I cook in the kitchen, you are the smell of morning coffee, you are the hands holding mine at the grocery store, you are the voice from the pages of my books, you are the candlelight dinners, you are the waltz I dance to, you are the goodnight kisses, you’re who I wake up to. You are not perfect but I want you just the same. I want to tell you that your lips are what I want for my first, my second, my third, my last kiss. I want your fingers between my fingers, your arms around me. I want to tell you that I love you, that I am yours completely.